NIRESBAKAN ng Malakanyang ang pag-alma ni Atty. Lorna Kapunan kaugnay sa pagbibigay ng regular updates ng Philippine National Police (PNP) sa media at pagpapalabas ng larawan ng pork barrel scam queen Janet Lim-Napoles sa Fort Sto. Domingo, Sta. Rosa, Laguna.
Ang katwiran ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte ay ginagawa lamang ito ng PNP sa ngalan ng transparency dahil marami aniya ang interesado sa kaso ni Napoles.
“Yung sa atin, ‘yung sa PNP, the PNP is doing this for the sake of transparency. Kasi nakita naman natin, marami hong interesado talaga doon sa kaso kaya nagbibigay po tayo ng mga daily updates para mabigyan naman po ng idea ‘yung mga kawani ng media na nagbabantay ho doon. Binansagan na nga ho yata nila ‘yung sarili nilang “Napoles Press Corps;” para mabigyan ho sila naman ng impormasyon dahil hindi ho kasi nila nakikita visually e, because of the security doon sa Fort Sto. Domingo kaya binibigyan naman po sila ng mga updates,” anito.
Bukod dito ay wala namang nakikitang masama ang Malakanyang kung magbigay man ng updates ang PNP sa mga miyembro ng mamamahayag lalo pa’t napaulat na patuloy na binibigyan ng VIP treatment ang pork barrel scam queen.
Sa ulat, naglagay na ng CCTV ang PNP para makita ang mga kilos at mga bisita ni Napoles bagama’t hindi na itinuloy ang pagla-livestream sa kaganapan sa loob.
The post Pag-iinarte ni Atty. Kapunan niresbakan ng Malakanyang appeared first on Remate.