INATASAN ni Pangulong Benigno Aquino III si Justice Secretary Leila de Lima na kumpletuhin muna ang report ng National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay sa Atimonan incident bago isumite sa kanya.
“Yes. The President instructed Secretary Leila de Lima that he wants an exhaustive report. If there are certain witnesses who would like to testify, if there are certain pieces of evidence that need to be threshed out or filed or any evidence that we need to pursue, go ahead. Or, if there are any other participants who are willing to give a statement, gawin na muna lahat ‘yon. So si Secretary Leila de Lima did not submit a report yesterday,” ayon kay Presidential spokesman Edwin Lacierda.
Nauna rito, umalis na ng bansa si Pangulong Aquino papuntang Davos, Switzerland para dumalo sa World Economic Forum (WEF).
Sinasabing dapat ay bibitbitin ni Pangulong Aquino ang NBI report para doon na sana pag-aralan sa Davos, Switzerland pero dahil ‘draft report’ pa lang ang meron ang NBI ay ipinagpaliban na muna.
Napag-alaman na ang pagsasampa ng kaso sa lahat ng mga nakasama sa operasyon sa checkpoint ang nilalaman ng rekomendasyon sa NBI Atimonan investigation.
Ang situation sketch at lokasyon ng naganap na insidente ay magiging bahagi rin ng post incident report ng NBI.
Nauna nang iginiit ni Justice Secretary Leila de Lima na walang naganap na shootout gayundin ang mga opisyal ng NBI.
Ito ay dahil base anila sa sketch, ang mga direksyon ng bala ay galing sa pulis at militar.