KINUWESTYON ng isang kongresista ang Manila Economic and Cultural Office (MECO) ukol sa paggamit ng tanggapan sa mahigit P500 bilyong kinikita nito bawat taon.
Sa budget hearing, inihayag ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares na ang MECO ay kumita ng P568 milyon sa visa processing at notarization noong 2012 habang P477 milyon naman noong 2011.
Agad namang inamin ng DFA na hindi nila alam kung saan napupunta ang kitang ito ng MECO.
Paliwanang ni DFA Undersecretary Rafael Seguis na pinapalagay nilang diretso ito sa Office of the President dahil ito ay government corporation na sakop ng tanggapan ng pangulo.
Nagpahayag naman ng pagdududa si Colmenares na ang malaking kita ng MECO ay napapasama sa presidential pork kada taon.
Ang Pilipinas ay walang embahada sa Taiwan dahil hindi ito kinikilala bilang hiwalay na bansa sa China sa ilalim ng one China policy.
The post Kinikita ng MECO sa Taiwan ipinasisilip appeared first on Remate.