PINABUBUHAY ng independent minority group sa Kamara sa pangunguna ni Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez ang congressional oversight committee.
Ang nabanggit na komite ay binuwag nang pumasok ang 15th Congress.
Apela ng grupo kay House Speaker Feliciano “Sonny” Belmonte Jr. na buhayin ang komite sa pamamagitan ng inihaing House Resolution 268.
Layunin nito na lalo pang mapatatag ang transparency at accountability sa pamahalaan sa gitna ng mainit na isyu ng maling paggamit sa pork barrel ng mga mambabatas.
“Legislative oversight is the process by which Congress takes an active role in understanding, monitoring and evaluating the performance of state bodies and instrumentalities and applies this knowledge to its three other functions, namely, making laws and public policy, setting budgets, and raising revenues,” batay sa resolusyon.
The post Binuwag na oversight committee sa Kamara binubuhay appeared first on Remate.