SUPORTADO ng Commission on Elections ang panukala ni Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos na suspendihin ang halalan ng Sangguniang Kabataan sa Oktubre 8.
Sa pagdinig ng House Committee on Appropriations kung saan hinimay ang budget ng COMELEC para sa 2014, sinabi ni Chairman Sixto Brillantes na isabay na lamang ang SK elections sa 2016 presidential elections bago pa man ito buwagin.
“We would rather postpone it and probably synchronize it in 2016 [presidential elections], mas mabuti pa,” ani Brillantes.
Ang mungkahi ni Brillantes ay isang chairman ng SK ang ihalal at paupuin ito sa Barangay Council.
Ayon sa chairman, aabot sa P80 milyon ang matitipid ng gobyerno kapag hindi na isasama sa paghahalal ang mga SK kagawad dahil ito lang naman ang sumusweldo.
The post Paglusaw sa SK elections aprub sa Comelec appeared first on Remate.