UMUTANG ang administrasyong Aquino ng mahigit $8 milyon para sa Conditional Cash Transfer program.
Inamin ito ni DSWD Secretary Dinky Soliman sa pagdinig ng House Committee on Appropriations kaninang hapon habang dininig ang alokasyon ng ahensya para sa 2014.
Ani Soliman, $410 milyon ang inutang mula sa World Bank habang $400 milyon naman mula sa Asian Development Bank (ADB).
Ito umano ay dapat bayaran sa loob ng 20 taon nang may humigit kumulang isang porsiyentong interes.
Pero nilinaw ni Soliman na ang napopondohan ng utang na ito ay isang milyon lamang sa mga benepisyaryo ng CCT habang ang mas malaking bilang ng benepisyaryo ay tinutustusan na ng gobyerno.
Idinipensa pa ni Soliman ang CCT sa pagsasabing positibo ang impact assessment dito ng world bank at ng mga pribadong study organizations.
Pinangangambahan ng Gabriela partylist na magamit ang CCT para pagsingitan ng itatagong pork barrel ng ehekutibo at mga mambabatas.
Sa budget hearing, iginiit ni Rep. Luzviminda Ilagan na burahin na sa 2014 budget ang P62.5 bilyon na pondo ng CCT na maituturing anyang stinky pork ng malakanyang.
The post Gobyerno nalubog sa utang dahil sa CCT program appeared first on Remate.