PINAGPAPALIWANAG ng pamunuan ng Department of Energy (DoE) ang dalawang malaking kompanya ng langis sa bansa hinggil sa ginawa nilang pagpapatupad ng malaking dagdag presyo sa ibinebenta nilang produktong liquefied petroleum gas (LPG).
Ayon kay DoE Secretary Jericho Petilla, nagpadala na sila ng sulat sa Pilipinas Shell at Total Philippines upang pagpaliwanagin sa ginawang malaking dagdag presyo ng kanilang produktong LPG kamakalawa.
Napag-alaman kay Petilla na hindi dapat hihigit sa P3.00 kada kilo ang itataas sa LPG ngunit ang Solane ng Shell ay nagtaas ng P4.00 habang P3.75 ang itinataas ng Total ng kada kilo ng kanilang LPG.
Ayon pa kay Petilla, kahit deregulated ang mga nabatid na kompanya ay nais nilang matiyak na hingi nag-usap-usap ang mga ito sa kung magkano ang itataas at pare-pareho ng mga presyo.
Nandindigan naman ang Solane na tama ang kanilang ipinatupad na paggalaw ng presyo ng LPG.
“Our price increase is due from foreign exchange differences (forecasted vs. actual exchange rates), contract price changes and fuel increases for both our trucks and our own local flag vessel.” paliwanag ni Ernest Loquinario ng Solane product and brand manager.
Ipinahayag din ng mga kumpanya ng langis na tama rin ang kanilang pagtataas ng mga presyo ng kanilang mga produktong petrolyo ngayong araw.
The post Shell, Total pinagpapaliwanag sa taas-presyo ng LPG appeared first on Remate.