Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Pagiging KSP ni Jun Lozada dedma sa M’cañang

$
0
0

IPINAGKIBIT-BALIKAT lamang ng Malakanyang ang resbak at pagiging kulang sa pansin (KSP) ng whistle blower na si Rodolfo “Jun” Lozada kaugnay sa pagbubulag-bulagan aniya ng Palasyo sa “midnight deals” na pinasok ni Executive Secretary Paquito Ochoa Jr. o mas kilala bilang “The Little President.”

Sinabi ni Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte na ang pag-iingay ngayon ni Lozada ay bunsod ng pagbasura ni Pangulong Benigno Aquino III na tulungan siya sa kasong nakabinbin laban sa kanya.

“Well, I think, at this juncture it’s obvious. Because when he met with the President, there was a pending case against him because, apparently, during his stint as PhilForest president, he had it in his power to grant a lease to certain individuals, and he is alleged to have granted one to his brother-in-law, that is why there is there are charges that are pressed against him,” ani Usec. Valte.

Napaka-simple aniya ng usaping ito kung saan hindi napagbigyan ang hirit ni Lozada kay Pangulong Aquino na tulungan siya at hindi man lamang nabigyan ng kahit na anumang uri ng tulong  kaya nanggagalaiti ito sa galit.

Malinaw aniya ang mensahe ng Punong Ehekutibo kay Lozada na kung may mga ebidensiya ito na magpapatunay na sangkot nga si Ochoa sa “midnight deals” ay mangyaring ilabas nito ang matibay na ebidensiyang magdidiiin sa Litte President.

Binigyang diin ni Usec. Valte na taliwas sa sinabi ni Lozada ay nakipagkita talaga ang huli kay Pangulong Aquino para tulungan siya sa kasong isinampa sa kanya.

Hindi naman naniniwala si Usec. Valte na humingi nga ng tulong si Lozada sa Office of the Executive Secretary (OES) para sa kasong kanyang kinahaharap.

Sa ulat, sinabi ni Lozada na nananatiling hindi pinapansin ni Pangulong Aquino ang isyu na nagsasangkot kay Executive Secretary Paquito Ochoa Jr. at sa bayaw nito dahil malaki ang pakinabang ni Ochoa sa nasabing usapin.

Tinukoy ni Lozada ang pag-lease ng Arroyo administration sa 2,000 ektarya ng forest land at beach-front property sa Busuanga, Palawan province sa Philippine Forest Corp.(Philforest) na pag-aari ng bayaw ni Ochoa.

Ang Philforest ay kinilala ng Malakanyang bilang isa sa limang state entities  na ginagamit bilang conduits sa maanomalyang pagpapalabas ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) o “pork barrel” ng mga mambabatas sa mga pekeng non-government organizations (NGOs).

Si Lozada, dating Philforest president, ay nagpahayag na kailangang kanselahin ni Pangulong Aquino ang nasabing kasunduan bilang pangako na ibabasura ang lahat ng mga kasunduan na pinasok ng Arroyo government.

Hindi aniya lahat ay kinansela ni Pangulong Aquino particular na ang midnight deals na ito ni Ochoa.

The post Pagiging KSP ni Jun Lozada dedma sa M’cañang appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>