NAGTATAYO na ng kongkretong imprastraktura sa Bajo de Masinloc ang China.
Sa pagdinig ng House Committee on Appropriations, iniulat ni DND Secretary Voltaire Gazmin na sa huling litrato na nakuha nila sa area ay mayroon na silang nakita na concrete blocks.
Ayon sa kalihim, mukhang ang direksiyon nito ay Chinese fortification sa Bajo de Masinloc.
Nito pa aniyang August 31 ay may namataan pang tatlong Chinese vessel sa Bajo de Masinloc.
Ang report ukol dito, ayon kay Gazmin ay naisumite na sa Department of Foreign Affairs at Office of the President.
Agad namang nagpahayag ng pagka-alarma dito si Akbayan Rep. Walden Bello kasabay ng panawagan sa gobyerno na huwag itong ipagsawalang bahala.
Kasabay nito ay inihayag din ni DND Undersecretary Lorenzo Batino na hindi na kailangan ang bagong tratado para sa dagdag na US military rotational presence.
Sapat na aniya ang mutual defense treaty at visiting forces agreement para dito.
Sinabi pa ni Batino na sa salitang rotational presence pa lamang ay nangangahulugan nang pansamantala lamang ang pagtigil dito ng US forces.
Ngunit hindi nagbigay ng detalye si Batino kung gaano kalaki ang pwersa ng Amerikano na papasok sa bansa at kung ilang base militar ang magagamit ng mga ito sakaling matuloy ang kasunduan para sa increased rotational presence.
The post China nagtatayo na ng imprastraktura sa Bajo de Masinloc appeared first on Remate.