WALA pa ring aksyon at desisyon si Pangulong Benigno Aquino III sa inihaing courtesy resignation ni National Bureau of Investigation Deputy Director Edmundo Arugay.
Subalit sinabi ni deputy Presidential spokesperson Abigail Valte na agad itong aaksiyunan ni Pangulong Aquino
“Certainly, it will be acted—the President will act on it in the appropriate manner. Hindi pa ho yata nakakarating na nag-submit na (siya) ng resignation. I just… I, myself, saw it on the way down here from the other side, from the Palace, so tingnan po natin. Kahit lahat naman ‘yan, Mader, sinasagot natin. Whether it’s revocable or irrevocable, there has to be a response of course,” anito.
Nauna rito, sinabi ni Justice Secretary Leila de Lima na sa Setyembre 14 na magiging epektibo ang courtesy resignation ni Arugay sa oras na makabalik na ito mula sa isang official mission sa ibang bansa.
Sinabi ni de Lima na may tatlo hanggang apat na deputy directors ang sa kanya ay nararapat na magbitiw sa puwesto sa halip na si NBI Director Nonnatus Rojas.
Sa ulat, nasaktan si Rojas sa naging pahayag ni Pangulong Aquino noong nakaraang linggo na duda na siya ngayon sa integridad ng NBI kaya ito nagbitiw.
The post PNoy wala pang desisyon sa pagbibitiw ni Arugay appeared first on Remate.