MINALIIT ni Justice Secretary Leila de Lima ang pahayag ng kampo ng negosyanteng si Janet Lim Napoles na wala silang tiwala sa National Bureau of Investigation (NBI).
Sinabi ng kalihim na hindi mahalaga sa kanila na walang tiwala sa NBI si Napoles, dahil higit na mahalaga ang tiwala ng mga whistleblower, sambayanan at ng Pangulo sa kanila.
Aniya, hindi na nakapagtataka na walang tiwala si Napoles sa NBI, dahil ang ahensya mismo ang nag-iimbestiga sa pork barrel fund scam na kinasasangkutan ng negosyante.
Nilinaw din ng kalihim na isasampa nila ang kaso sa Ombudsman kahit hindi magbigay ng testimonya si Napoles dahil sapat na ang testimonya ng mga whistleblower.
The post Pahayag ni Napoles vs NBI minaliit ni de Lima appeared first on Remate.