APAT na kongresista ang nanumpa bilang mga bagong miyembro ng ruling Liberal Party (LP) kabilang ang asawa ni dating Speaker at Pangasinan Rep. Jose de Venecia Jr.
Ayon kay Marikina City Rep. Miro Quimbo, miyembro ng LP National Executive Board (NEB), kabilang sa mga tumawid ng partido ay sina Pangasinan Rep. Gina de Venecia, Pampanga Rep. Yeng Guiao, Lapu-Lapu City Rep. Aileen Radaza, at Baguio City Rep. Nicasio Aliping Jr.
“This is part of the continuing process of strengthening the ruling party,” ani Quimbo.
Si Gina de Vencia ay nagmula sa Nationalist People’s Coalition (NPC) samantalang si Guiao ay dating miyembro ng Kambilan, isang local political party sa Pampanga.
Kinumpirma rin ni Quimbo na ang apat na bagong LP members ay nanumpa sa harap ni LP President at Transportation Sec. Joseph Emilio Aguinaldo Abaya, Jr. na sinaksihan din ni House Speaker Feliciano “Sonny” Belmonte Jr. at iba pang party stalwarts.
“There are other elected officials who signified their intention to join LP. The process is going on,” ayon pa rin kay Quimbo.
The post Apat na solon lumipat sa Liberal party appeared first on Remate.