PINAGBIBITIW ni Justice Secretary Leila de Lima ang deputy directors ng National Bureau of Investigation.
Ayon kay De Lima, seryoso siya sa kanyang sinabi sa isang ambush interview kanina na ang deputy directors ng NBI ang dapat magbitiw sa kanilang tungkulin at hindi si Director Nonnatus Rojas.
Para sa kalihim, hindi pa dapat magbitiw si Rojas dahil malapit na nilang makasuhan ang itinuturong utak sa P10-b pork barrel scam na si Janet Lim Napoles
Bukod dito, sinabi din ng kalihim na may tiwala kay Rojas ang Pangulong Benigno Aquino
Binigyang-diin pa ni De Lima na ayaw niyang mawalan ng isang mabuting tauhan ang NBI.
The post NBI deputy directors pinagbibitiw ni de Lima appeared first on Remate.