MAGKAKAROON na ng accessible at eksklusibong polling precincts ang mga senior citizen at people with disability (PWD) kaya’t hindi na kakailanganin pa ng mga ito na makipagsiksikan sa polling centers tuwing araw ng halalan.
Batay sa Commission on Elections (Comelec) Resolution No. 9763, inilatag ng poll body ang implementing rules and regulations para sa Republic Act 10366 o ang batas na nagbibigay ng kapangyarihan sa mga ahensya na mag-establisa ng mga pasilidad para sa mga senior citizens at PWD.
Nakasaad sa resolusyon na ang polling precincts ay dapat nasa ground floor malapit sa entrance ng gusali at walang physical barriers.
Pinaalalahanan naman ng Comelec ang mga senior citizen at mga PWD na i-update ang kanilang records sa pamamagitan ng pagpaparehistro, reactivation, transfer with reactivation, reinstatement, inclusion of record o correction ng entry kung saan ilalagay ang kanilang kapansanan at kinailangang assistance.
Matatandaang sa mga nakalipas na halalan, may mga itinatalagang “express lanes” para sa mga nakatatanda at PWD sa mga polling precincts ngunit sa pamamagitan ng bagong resolusyon ng poll body, magkakaroon na sila ng sariling polling precincts na ekslusibo para sa kanila lamang.
The post Polling precincts para sa senior citizens at PWDs appeared first on Remate.