Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

2 bading na pikon, nagsaksakan

$
0
0

NAUWI sa trahedya ang masayang pagtitipon ng grupo ng mga bading nang magkapikunan sa kanilang mga kasamahan makaraang magkainitan sa ginagawa nilang pang-“ookray” sa isa’t isa kung saan nauwi sa pananaksak sa Pasay City.

Kasalukuyang ginagamot pa sa Mandaluyong City Medical Center ang biktimang si Rick Unido, 34, X-Ray technician, ng 18 Katarungan St., Brgy Fairview, Quezon City sanhi ng tama ng saksak sa kaliwang bahagi ng katawan at kaliwang braso nito.

Naaresto naman ng mga rumespondeng mga tauhan ng pulisya ang suspek na si Reggie Nuestro, 20, estudyante at naninirahan sa 234 Sixto Avenue, Pasig City makaraang pigilan siyang makatakas ng mga kasamahan.

Ayon kay Chief Insp. Joey Goforth, hepe ng Station Investigation and Detective Management Section (SIDMS) ng Pasay police, nagkaroon ng reunion ang grupo ng mga bading, kasama ang suspek at biktima sa  Six Plus One Videoke bar sa Luna St. pasado alas-2 ng madaling-araw na tumagal ng halos dalawang oras.

Masayang nag-inuman at nagkantahan ang grupo subalit nang naglalakad na silang pauwi sa Libertad St.  ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo sina Unido at Nuestro na nauwi sa pagsusuntukan.

Umawat naman ang kanilang mga kasamahan subalit biglang kinuha ni Nuestro ang dalang gunting at inundayan ng saksak ang biktima.

The post 2 bading na pikon, nagsaksakan appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


PAGBABATA


Ruru Madrid ultimate crush ni Klea Pineda


PAKIALAMERONG DIREKTOR NG NORTH CEMETERY


Final Destination 6, kasado na


Ivana Alawi itinanggi ang pagbibigay ng umano’y escort service


Ibong Adarna Script


MAMIYAPIS


DELEGADO


KANTUTAN


Inambus na ex-mayor naibulong ang killer bago natigok


Long Mejia may sex scandal


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Beer Garden sa Lawton, pinasara ni Isko


Pipi’t-binging tomboy, dinalirot ng pinsan


KUDA


HAWI


Pilipinolohiya ni Dr. Prospero Covar


Toni at direk Paul, tuloy na ang kasalan!



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>