Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Paglobo ng populasyon, isinisisi sa maling paggamit ng contraceptives

$
0
0

ISINISISI ang paglobo ng populasyon sa South Cotabato sa maling paggamit o kawalan ng kaalaman sa paggamit ng contraceptives.

Sinabi ni South Cotabato Provincial Population Office Population Program Officer, Romulo Palomo, na ito ang mga dahilan kung bakit hindi gumagamit ang mag-asawa ng mga contraceptives.

Ayon kay Palomo, natatakot ang mag-asawa sa mga magiging side effects sa katawan ng mga contraceptives sa oras na inumin nila ito.

Bukod pa rito, karamihan sa kanila ay natatakot dahil hindi sila nakakadalo sa mga seminar na kanilang inilatag.

Isa pa sa mga dahilan ay ang hindi tamang paggamit ng mga pills at iba pang mga artificial birth control methods.

Ngunit mas pinapaboran naman ng iba ang natural family method, ngunit hindi naman masabi kung tama ang kanilang paggamit sa nasabing method.

Sa panig naman ng Simbahang Katolika, isinusulong na gamitin ng mga mag-asawa ang natural na metodiko, subalit sa panig naman ni Palomo, nasa tao na ang desisyon kung gagamit sila ng natural na sistema o ang mga contraceptives.

The post Paglobo ng populasyon, isinisisi sa maling paggamit ng contraceptives appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>