Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Taguig umapela sa CA sa Fort Bonifacio case

$
0
0

UMAPELA sa Court of Appeals ang lokal na pamahalaan ng Taguig kaugnay sa naging desisyun ng CA na nagdedeklara na sakop ng Makati City ang Fort Bonifacio at hindi ng Taguig.

Nakasaad sa motion for reconsideration ng Taguig, na ang paglilipat ng Fort Bonifacio kabilang ang Bonifacio Global City (BGC) ay may epekto sa maraming residente kabilang ang mga establishimento sa lugar.

Apektado rin aniya ang mga plano ng mga negosyante na pagod na sa “bureaucratic red tape” at “needless local government intrusion.” Sinabi pa nitong may mga negosyo nang lumipat sa Taguig mula Makati dahil sa mas mababang buwis, mas maayos na serbisyo at business policies.

Malaking tulong din aniya sa 28 barangay sa ilalim ng Taguig ang P5 bilyong nakukuha nito mula sa BGC.

“Taguig’s claim has the backing of history — it precedes Makati as a political and corporate entity by decades. Taguig’s claim has the weight of official authority behind it — in statutes, in proclamation,”nakasaad sa motion.

Muli ring nanawagan ang lokal na pamahalaan ng Taguig kay Associate Justice Marlene Gonzales-Sison na mag-inhibit sa kaso dahil sa pagiging malapit ng asawa nito kay dating Makati Mayor at ngayo’y Vice President Jejomar Binay na unang nakipaglaban para sa Fort Boni.

“We should not allow a cloud of doubt loom over the CA’s impartiality in deciding this case,” giit ni Cayetano.

The post Taguig umapela sa CA sa Fort Bonifacio case appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>