Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

B-day boy niregaluhan ng bala, todas

$
0
0

IMBES ipaghanda ng masarap na pagkain, bala ng kalibre .45 ang ipinang-regalo ng hindi nakikilalang armadong lalaki sa isang aircon technician na nagdiriwang ng kanyang kaarawan kaninang madaling-araw (Setyembre 1), sa Quezon City.

Nagtamo ng tama ng baril sa iba’t-ibang bahagi ng katawan at namatay noon din ang biktimang si Edwin Simoy, 48-anyos residente ng Barangay Payatas A, Q.C.

Blangko pa ang Quezon City Police District-Criminal Investigation  and Detection Unit (QCPD-CIDU) kung sino ang nasa likod ng pamamaril pero sinisilip na onsehan sa droga ang motibo.

Sa ulat ng CIDU, naganap ang insidente dakong 12:45 ng madaling-araw sa labas ng isang mosque sa San Miguel extension na kilala sa bentahan ng droga.

Ayon sa  kapatid ng biktima na si Evelyn Gargara, bago ang insidente ay humingi sa kanya ng P4,000 nitong Sabado ng gabi ang kanyang kapatid dahil sasalubungin nito sa pag-inom ng alak ang ika-48 na kaarawan nito.

Pero makalipas lamang ang ilang oras ay nakarating sa kanya ang balitang may bumaril sa kanyang kapatid.

The post B-day boy niregaluhan ng bala, todas appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>