Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

P450,000 reward inilatag vs broadcaster killers

$
0
0

NAGLATAG ng reward money ang pamahalaang lungsod ng Iligan para sa ikadarakip ng dalawang suspek na bumaril sa komentaristang si Fernando “Nanding” Solijon ng Love Radio 107.1 FM.

Sinabi ni Iligan City Mayor Celso Regenci,a  umaabot sa P450,000 ang ibibigay na pabuya ng syudad para sa mga taong makapagbibigay ng anomang impormasyon o makapagtuturo sa mga suspect na bumaril kay Solijon.

Ayon kay Regencia, umaapela siya sa kanilang mga residente na tulungan ang awtoridad para mas mapadali ang paghanap sa utak sa pagpatay sa biktima.

Sinabi ni Regencia na inatasan na rin nito ang National Bureau of Investigation (NBI) Iligan District na magkasa rin ng pagtugis laban sa mga perpetrators.

Nilinaw naman agad ni Regencia na umaabot lamang sa P150,000 cash money ang maibibigay ng lungsod habang ang P300,000 ay manggagaling  kay Lone District of Iligan Rep. Vicente Belmonte Jr.

Una rito, sinabi ni Iligan Tri-media Association president Philip Jaudian na politika ang isa sa mga motibo na kanilang hinala sa pagbaril kay Solijon.

Napag-alaman na si Solijon ang pangalawang komentaristang napaslang sa lugar simula noong taong 1983. Isa sa mga nilikida ay si Charlie Aberilla mula sa defunct DXWG AM radio habang ito ay nakaere sa kanyang programa.

The post P450,000 reward inilatag vs broadcaster killers appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>