TATLO na ang kumpirmadong patay sa pagtama ng bagyong Nando sa Taiwan na nag-iwan din ng 29 patay bago lumayas sa Pilipinas.
Ang isa ay namatay sa koryente, isa sa pagkalunod sa hanggang leeg na baha habang ang isang ay inanod naman ng baha.
Partikular na hinambalos ng bagyo ang Tainan City, Yunlin County at Chiayi County.
Ilang flights din mula at patungo sa Taiwan ang nakansela.
The post 3 patay sa hambalos ng bagyong Nando sa Taiwan appeared first on Remate.