NADAKIP na ng mga pulis ang wanted sa panghahalay sa menor-de-edad na kapitbahay makalipas ang mahigit na limang taon sa Caloocan City, Sabado ng umaga, Agosto 31.
Nakilala ang suspek na si Bobby Alanzalon, 30, ng D. Yabut St., ng lungsod.
Nabatid na noong 2008, nilasing hanggang sa mahalay ng suspek ang kapitbahay na dalagita sa nasabing lugar.
Nang malaman ng suspek na nagdemanda ang biktima ay umalis ito sa kanilang bahay at nagtago.
Kaninang umaga, alas-6:30 ay bumalik sa kanilang lugar ang suspek subalit may nagsumbong sa mga pulis.
Kasama si PO3 Conrado Punzalan, dala ang warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Thelma Canlas Trinidad-Fe ng Branch 129 ay dinakip ang suspek sa kanilang bahay.
The post Wanted sa panghahalay, tiklo appeared first on Remate.