PATAY ang isang Finnish national habang nasa loob ng isang hotel kasama ang kanyang nobya sa Brgy. Balabag, Boracay.
Kinilala ang biktima na si Larry Sekka Kero, 32, taga-Finland
Nabatid na bumubula pa ang bibig ng biktima nang saklolohan ng room attendants sa isang hotel nang humingi ng tulong ang kanyang nobya na kinilalang si Joan Codilla, 30, ng Cebu City.
Ayon sa girlfriend ng biktima, nanonood sila ng telebisyon nang bigla na lamang mangisay ang dayuhan at bumula ang bibig.
Lumalabas na inatake sa puso ang dayuhan dahil sa ininom na sex enhancer.
The post Finnish todas sa sex enhancer appeared first on Remate.