NAGPATIWAKAL sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili ang isang pade de pamilya sa bayan ng Pili, Camarines Sur.
Nakilala ang biktima na si Edmundo Atanacio Abragand, 66, ng Zone 5, Barangay San Isidro sa naturang bayan.
Nabatid na matapos matanggap ang impormasyon hinggil sa nangyaring suicide incident ay agad nagtungo ang mga elemento ng Pili Municipal Police Station sa lugar ng pinangyarihan.
Dito na natagpuan ang bangkay ng biktima na may tama ng bala ng baril sa ulo nito.
Nakita rin sa tabi ng biktima ang caliber .45 pistol at ang isang suicide note para sa kanyang pamilya.
Nakatakdang isailalim sa laboratory examination ang baril habang ang bangkay naman ng biktima ay isasailalim sa necropsy examination.
Hindi pa rin batid kung ano ang motibo ng pagpapatiwakal.
The post Mister nagbaril sa sarili, todas appeared first on Remate.