Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Kaalyadong bansa kinokonsulta bago atakehin ang Syria

$
0
0

PATULOY na kinokonsulta ng Estados Unidos ang mga kaalyado nito  hinggil sa posibleng pag-atake sa Syria na sinasabing gumamit ng chemical weapons laban sa mga sibilyan nito.

Matapos ang Courtesy Call ni United States Secretary of Defense Chuck Hagel sa Malakanyang kanina ay sinabi nito na  ang kanilang approach ay ang patuloy na makahanap ng international  coalition  na magiging tugon sa isyung ito.

“I think you know where the United States government is in our analysis of what happened in Syria as well as the most nations of the world condemning the use of chemical weapons and our option as we continue to consult with our allies,” ang pahayag ni Sec. Hagel.

At sa tanong naman kung mayroong magagawa ang Assad upang pigilan ang military action ay sinabi nito na ayaw niyang mag-especulate sa tinatawag na hypothetical situations”.

“I have not been informed of any change in the Assad regime’s position on any issue. So, I deal with the reality of what we have,”anito.

Nauna rito, nabigo naman si British Prime Minister David Cameron na magpasa ng isang mosyon na magbibigay daan para sa Britaniya na makisali sa lumalaking military strike sa Syria.

Sa kabila nito, sinabi ni Sec. Hagel na kukunin pa rin ng gobyernong Obama ang pulso ng UK government  sa isyung ito.

Sa ulat, inamin ng US national security officials na bagama’t may balita na gumamit ng chemical weapon attack ang puwersa ng Syrian government ay wala naman silang matibay na ebidensiya na magpapatunay mismong si Syrian President Bashar Al-Assad ang nagbigay ng kautusan sa bagay na ito.

Kaugnay nito, patuloy na naghahanap ng matibay na ebidensiya ang US government  sa insidenteng ito.

Kasalukuyan namang nasa  Syria United Nations inspectors para alamin  kung gumamit nga ang Syria ng chemical weapons sa civil war.

Ang White House, sa kabilang  dako ay handa na mag-isang resbakan ang Syria sa isyung ito.

The post Kaalyadong bansa kinokonsulta bago atakehin ang Syria appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>