KALABOSO ang 37-anyos na lalaki makaraang maaktuhan ng mga awtoriad na nakikipagtalik sa isang menor-de-edad na dalagita sa loob ng kanyang sports utility vehicle habang nakaparada sa isang madilim na lugar kaninang madaling-araw sa Pasay City.
Patung-patong na kaso ang kinakaharap ng suspek na si Richer Herreira, ng 16 San Andres Bukid, Sta Ana Manila makaraang mahuli sa akto ng pakikipagtalik alas-5:30 ng madaling-araw sa loob ng nakaparadang sasakyan sa Atang Dela Rama St., malapit sa Amazing Show Building, CCP Complex.
Sa imbestigasyon, namataan ni Herreira ang 17-anyos na dalagita sa Sta Cruz, Manila habang nakatayo at naghahanap ng customer.
Inalok ni Herreira ang dalagita na sumakay sa kanyang SUV hanggang magkasundo silang magtalik kapalit ng P1,100 na ibabayad ng lalaki.
Sa halip na dalhin sa motel, ipinarada ni Herreira ang sasakyan sa madilim na bahagi sa CCP Complex at dito na sila nagsagawa ng kanilang mainit na pagtatalik na nasaksihan ng ilang mga nagdaraan.
Isa sa mga nakasaksi ang nagsumbong kina PO2 Raniel Dumangcal at PO1 Jonathan Hilario ng Police Community Precinct (PCP) 1 ng Pasay police na noon at nagpapatrulya sa lugar na naging dahilan upang mahuli sa akto ang dalawa.
Bukod sa paglabag sa R.A. 7610 o Child Abuse Law, sinampahan din ng kasong paglabag sa R.A. 9208 o Anti-Trafficking of Persons Act ng pulisya ang suspek na kasalukuyang nakaditine sa detention cell ng Pasay police.
The post 37-anyos na kelot huli sa pakikipag-sex sa bagets appeared first on Remate.