Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Kusinero lapnos sa kumukulong mantika

$
0
0

LAPNOS ang mukha at katawan ng isang kusinero mula sa isang kilalang restaurant nang bumuga ang apoy sa kumukulong mantika sa bitbit niyang kawali kaninang umaga sa Pasay City.

Nasa ligtas nang kalagayan ngunit inoobserbahan pa sa San Juan De Dios Hospital ang biktimang si Tommy Nakpil, 29, cook ng Gerry’s Grill Restaurant sa Blue Wave, Macapagal, Boulevard sanhi ng 3rd degree burn at pagkakalapnos sa mukha at bahagi ng katawan nito.

Sa imbestigasyon ni SPO2 Joel Landicho ng Station Investigation and Detective Management Section (SIDMS) ng Pasay police, inihahanda na ni Nakpil ang mga sahog sa lulutuin habang nakasalang ang malaking kawali alas-9:20 ng umaga nang tumapon ang kumukulo nang mantika.

Sa pangambang pagmulan ito ng apoy, binitbit palabas ng establisimiyento ni Nakpil ang kawali subalit bigla na lamang bumulwak ang apoy sa kumukulong mantika na naging dahilan upang masunog ang mukha at bahagi ng katawan ng biktima.

The post Kusinero lapnos sa kumukulong mantika appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>