KABUUANG 449 bagong HIV-AIDS cases ang naitala ng Department of Health (DOH) sa bansa noong Hulyo, ng kasalukuyang taon.
Ito ang iniulat ni Health Assistant Secretary Dr. Eric Tayag, director ng National Epidemiology Center (NEC), sa kanyang Twitter account na @erictayagSays.
Ayon kay Tayag, ito na ang ‘highest monthly number’ ng sakit na naitala nila simula nang paigtingin ang monitoring laban sa HIV/AIDS noong 1984.
Aniya, nalampasan nito ang 431 kaso na naitala ng DOH noong Hunyo 2013, kung saan ay sinasabing isang Pinoy ang nahahawahan ng AIDS kada dalawang oras.
Bunsod naman ng bagong kaso ng sakit, umakyat na sa 2,772 ang mga kaso ng HIV-AIDS na naitala nila sa bansa nitong unang pitong buwan lamang ng taong 2013.
Habang umaabot naman sa 14,474 ang mga HIV-AIDS cases na naitala na nila simula taong 1984.
“#DOH reports 449 new #HIV cases in July 2013, the highest monthly number since 1984. Total for year now 2,772. And since 1984 we have 14,474,” tweet pa ni Tayag.
The post 449 bagong HIV-AIDS cases naitala appeared first on Remate.