Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

CJ Sereno humarap sa media

$
0
0

SA kauna-unahang pagkakataon matapos maitalaga sa pwesto, humarap at sumagot si Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa tanong ng mga mamamahayag.

Ito ay kasunod na rin ng kanyang unang anibersaryo bilang pinuno ng hudikatura.

At isa sa kontrobersyal na isyu na natanong sa punong ehekutibo ay ang usapin ng pork barrel fund.

Pero tumanggi si Sereno na sagutin ang tanong at sa halip ay kanyang iginiit ang ipinatupad niyang “dignified silence” policy.

Ayon sa punong mahistrado, dahil hindi nila tinatalakay sa publiko ang mga isyu na may kinalaman sa pulitika at ang mga nakabinbing kaso sa hukuman, tutugon lamang ang korte sa nasabing isyu kapag ito ay naiakyat na sa hukuman.

Matatandaan na nang maupo sa pwesto si Sereno, tinukoy ng punong mahistrado na iiral sa hukuman ang dignified silence policy kung saan ang mga hukuman ay maririnig at makikita sa pamamagitan ng mga resolusyon at desisyon.

Sa gitna naman ng pagtatanong, natanong din kay Sereno ang tungkol sa 37 milyong piso na inilaan ng hukuman bilang subsidiya sa mga non-government organization.

Ito ay sa ilalim ng Statement of Allotments, Obligations and Balances.

Ayon kay Sereno, kasama sa napupuntahan ng nasabing subsidiya ay ang Integrated Bar of the Philippines o IBP na isang lehitimong organisasyon.

Gayunman, hindi na niya tinukoy pa ang iba pang organisasyon na nakinabang sa 37 million pesos na subsidiya.

The post CJ Sereno humarap sa media appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>