DAHIL sa mga nagdaang pagsabog sa Mindanao at balitang terror groups sa Metro Manila, isang security advisory ang ipinalabas ni House Secretary General Marilyn Barua-Yap.
Ito ay kaugnay sa paghihigpit sa seguridad sa loob ng Batasan Complex.
Sa isang pahinang security advisory, partikular na inaatasan ang Office of the Sergeant-at-Arms at Legislative Security Bureau na maghigpit ng security measures sa Kamara.
Upang makatiyak sa kaligtasan ng mga kongresista, mga kawani at opisyal ng Kamara, mas maghihigpit ang inspeksiyon sa mga sasakyang papasok sa batasan complex.
Mas masusi rin ang gagawing pag-check sa mga bagahe o package na ipapasok dito para masigurong walang maipapasok na explosives.
Obligado rin ang lahat na magsuot ng ID habang nasa complex.
Inaatasan naman ang lahat ng house security na maging magalang sa pagtupad ng kautusang ito.
The post Seguridad sa Kamara hihigpitan dahil sa bombings appeared first on Remate.