Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Ex-PNP chief Razon, sumuko sa Sandiganbayan

$
0
0

BOLUNTARYONG sumuko ngayong hapon si dating ex-Philippine National Police chief Avelino Razon sa Sandiganbayan na nahaharap sa kasong pangungurakot.

Nagtungo si Razon sa Sandiganbayan alas- 3:05 ngayon hapon matapos magpalabas ng warrant of arrest ang nasabing ahensya.

Kasama ni Razon ang kanyang abogado para hilingin sa Sandiganbayan na huwag siyang makulong sa Quezon City Jail.

Si Avelinio Razon at 30 iba pang pulis ay inireklamo ng Ombudsman sa Sandiganbayan dahil sa umano’y maanomalyang P400 million repair and maintenance contract ng 28 unit ng V-150 PNP Light Armored Vehicles (LAV) noong 2007.

Isinampa ng Ombudsman ang kasong krimimal matapos ibasura ang mga motion for reconsideration na inihain ni Razon at nga iba pang akusado.

Kinasuhan ng paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act sina Geary Barias, dating Director for Comptrollership; Teodorido Lapuz IV, Acting Director for Logistics Support Services; Emmanuel Ojeda, Reuel Leverne Labrado, Annalee Forro, Henry Duque and Victor Puddao, lahat ng miyembro ng LSS–Bids and Awards Committee; Josefina Dumanew, purchasing officer; Antonio Retrato, chief accountant; Warlito Tubon, inspection officer; Alex Barrameda, property inspector; Eulito Fuentes, supply accountable officer; Rainier Espina, acting chief ng PNP Management Division.

Inireklamo rin sila ng malversation through falsification dahil sa pagbili ng 40 gulong ng LAV.

Ang iba pang kinasuhan ay sina  Reynaldo Varilla at Charlemagne Alejandrino, kapwa taga National Headquarters-BAC; Lapuz; Ojeda; Labrado; Forro; Edgar Paatan; Puddao; Dumanew; Retrato; Tubon; Laviña, pawang mga responsible supply police non-commissioned officer ng LSS; Barias; Barrameda; Fuentes; Espina; Nancy Basallo, property inspector; at mga pribadong tao na sina Harold at Tyrone Ong, Pamela Pensotes, Evangeline Bais at Artemio Zuniga.

Mayroon pang hiwalay na kaso ang isinampa sa kanila  dahil sa pagpapaayos ng 18 pang LAV.

The post Ex-PNP chief Razon, sumuko sa Sandiganbayan appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan