IPINAGKALOOB ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada ang 20% share mula sa nakolektang mga traffic violations fines (TVF) ng Manila Police District (MPD) sa ilang mga traffic cops.
Ayon kay Erap, ito ang kanyang naisip na paraan upang doblehin ng mga traffic cops ang kanilang sipag sa panghuhuli sa mga traffic violators at maiwasan ang pangongotong.
Ang 20% share na ipinamigay ni Erap ay mula sa kabuuang nakolektang P3,563,975.00 simula pa noong Hulyo ng Lungsod ng Maynila
Kauna-unahang nabiyayaan si PO3 Francisco Amponin kung saan nakatanggap ito ng tseke na nagkakahalaga ng P 19,625.00 o katumbas ng 20% niyang share sa koleksiyon sa traffic violation fines na kanyang naipasok sa kaban ng lungsod.
Nabatid na si Amponin ang may pinakamaraming huling traffic violators.
Nalaman kay Estrada na sa nakolektang TVF, P712, 795.00, ang ibinigay sa PNP at MTPB bilang insentibo.
Tumanggap naman si Crisanto Malicsi, MTPB enforcer, ng P13, 390 sa kanyang 20% share sa TVF na nakolekta ng Lungsod ng Maynila.
Si Malicsi ang ikalawa sa may pinakamalaking bilang nang nahuling traffic violators.
The post 20% shares sa nakolektang TVF, ibinigay ni Erap sa traffic enforcers appeared first on Remate.