Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Napoles at ilang mambabatas, kakasuhan ng plunder – De Lima

$
0
0

KAKASUHAN ng plunder si Janet Lim-Napoles at ilang mambabatas na isinasangkot sa pork barrel scam, ayon sa Department of Justice (DoJ).

Sa isang panayam  kay Justice Secretary Leila de Lima matapos ang 8th East Asia Conference on Competition Law and Policy sa Sofitel Philippine Plaza Manila, CCP Complex sa Pasay City, sinabi nito na tinatrabaho ng mabuti ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pagsasampa ng kaso laban kay Napoles at sa ilang mga mambabatas.

“Ang basehan nga po ng kung sinu-sino ang mga mambabatas na kasama sa first batch of cases ay iyong kung ano iyong base sa personal knowledge, first-hand knowledge ng aming mga whistleblowers lalo na si Benhur and iyong suportado ng enough documentary na iyon nga po ang kinakalap ngayon ng NBI sa iba’t ibang ahensiya including COA, AMLC and even SEC and DBM,” ayon sa Kalihim.

Iyon ang dahilan kung bakit hindi maikunsiderang state witness si Napoles.

Subalit, hindi naman nila inaalis ang posibilidad na gawin nga itong pangunahing testigo laban sa mga mambabatas na ginamit sa mali ang kanilang Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel.

“Merong mga elements or requirements or conditions bago ang isang akusado o bago ang isang respondent ay i-consider na isang state witness. Ang pinaka-importanteng element is that he or she should not appear to be the most guilty at saka ang kanyang testimony and that testimony would lead to the conviction of more guilty or the guiltier suspects or respondents or accused as the case may be. Kailangan tugunin iyong mga elements na ‘yan if and when we decide to make her a state witness but, first things first, kung nagtatago ka…kung nagtatago po siya, hindi ho… wala hong usapan tungkol diyan sa pagiging state witness niya,” sabi ni de Lima.

Sa kabilang dako, bukod sa plunder ay  hinihimay pang mabuti ng NBI at tanggapan ng Ombudsman kung ano pang kaso ang maaaring isampa laban kay Napoles at sa mga mambabatas na kasabwat nito sa pork barrel scam.

Sinabi ni de Lima, beniberipika ng Inter-Agency Graft Coordinating Council (IAGCC) ang initial assessment ng NBI Operations Center kaugnay sa lugar na pinaglalagyan ng tatlong yate (yacht) ni Napoles.

“Meron na mga halatang mga prank leads or prank calls. Maraming mga info o mga leads na talagang beni-verify ng mga iba’t-ibang NBI teams na kasama diyan sa manhunt,” ang pahayag ng Kalihim.

Samatala, kumbinsido si Sec. de Lima na nasa bansa pa rin hanggang ngayon si Napoles.

The post Napoles at ilang mambabatas, kakasuhan ng plunder – De Lima appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>