Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Malakanyang makikipagdayalogo sa nakiisa sa Million People March

$
0
0

BUKAS ang Malakanyang na makipagdayalogo sa  mga grupong nakiisa sa Million People March laban sa maling paggamit ng pork barrel funds na isinagawa kahapon, Agosto 26 sa Luneta, Maynila.

Sinabi ni Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte na aayusin lamang ang iskedyul ni Budget and Management Sec. Butch Abad para makaharap at makapag-dayalogo na sa ilang grupo na kasama sa idinaos na kilos-protesta laban sa pork barrel kabilang na ang Rock Ed Philippines na itinatag ni Gang Badoy.

Ang sentimyento ni Badoy ay makausap si Budget Secretary Butch Abad na para sa kanya ay eksperto sa pagdedesisyon sa kung ano ang dapat gawin sa nasabing kontrobersiyal na pondo.

Nauna rito, nabasa ni Presidential spokesperson Edwin Lacierda, ang tweet ni Badoy na gusto niyang makausap si Abad at ang naging tugon ni Sec. Lacierda ay “Why not? Telling Butch as I tweet. Let u know.”

Pabiro namang sumagot si Badoy na: “Ser, wag nyo akong lolokohin, pagod ako, papatulan ko yan.”

Na agad namang tinugunan ni Sec. Lacierda na he is willing to be part of the dialogue (na ang tinutukoy ay si Abad) sabay sabi pa rin sa kanyang tweet na “This is something concrete after the gathering.”

Sa parte naman ni Badoy ay tumugon ito ng  welcomed Lacierda’s gesture.

Matatandaang ang malakas na pagkalampag ng publiko sa maling paggamit ng pork barrel ang nagpabago sa posisyon ni Pangulong Aquino na ituloy ang pagbibigay ng Presidential Development Assistance Fund (PDAF) at palitan ito ng bagong mekanismo  na gagamitin pa rin sa pagpondo ng mga lokal na proyekto ng mga mambabatas.

The post Malakanyang makikipagdayalogo sa nakiisa sa Million People March appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>