Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Incentives para sa PSALM employees ilegal

$
0
0

PINAGTIBAY ng Korte Suprema ang desisyon ng Commission on Audit (COA) na nagsasabing iligal ang ginawang pamumudmod ng Power Sector Assets and Liabilities (PSALM) ng insentibo sa mga empleyado nito.

Ito ay matapos ibasura ng Kataas-taasang Hukuman ang petisyon ng PSALM na humihiling na baligtarin nito ang desisyon ng COA na pumapabor sa ipinalabas na Notice of Disallowance laban sa ahensya.

Nag-ugat ang nasabing kaso nang mamudmod ang PSALM ng Corporate Performance-Based Incentive sa mga empleyado nito na ang halaga ay katumbas ng kanilang lima at kalahating buwang sweldo.

Gayunman, ito ay isinakatuparan nang walang pag-apruba mula sa presidente ng Pilipinas gayong ito ay itinatakda sa ilalim ng Section 64 ng Electric Power Industry Reform Act o EPIRA.

Bagamat nakakuha ng pag-apruba ang PSALM mula sa Pangulo noong 2009 para sa ipinamahagi nilang insensitibo noong 2008, nagpalabas pa rin ang COA  ng Notice of Disallowance lalo pa at ang ipinamahaging insensitibo ay sobra-sobra.

Tinukoy naman ng Korte Suprema na walang naging grave abuse of discretion sa panig ng COA dahil ang pag-apruba na nakuha ng PSALM noong 2009 ay hindi pa rin maituturing na substantial compliance sa rekisitos na itinakda ng EPIRA.

The post Incentives para sa PSALM employees ilegal appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan