KRITIKAL ang isang lalaki matapos sumpakin ng nagising na kapitbahay dahil sa ingay ng una habang nakikipag-inuman sa Caloocan City, Lunes ng gabi, Agosto 26.
Inoobserbahan sa Manila Central University Hospital sanhi ng tama ng mga shrapnel sa dibdib si Ryan Teofisto, 22, ng Libis Bukid Baesa, nasabing lungsod.
Nadakip naman si Robert Aquino, 42 at kapitbahay ng biktima.
Sa ulat, alas-11 ng gabi, maingay na nakikipag-inuman ang biktima sa tapat ng kanilang bahay hanggang sa magising ang natutulog ng suspek.
Sa asar ng suspek ay kinuha nito ang sumpak sabay baba at walang salitang pinutukan ang biktima.
Nadakip naman ang suspek at inamin ang panunumpak bago sinabi na itinapon niya ang sumpak sa katabing ilog.
The post Maingay sa inuman, kritikal sa bagong gising appeared first on Remate.