Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Mga drayber at maliliit na operator lalahok sa Luneta sa Lunes, Agosto 26

$
0
0

MAGING ang mga drayber at maliliit na operator ng pampublikong transportasyon sa pangunguna ng militanteng transport group PISTON ay nagpahayag ng kanilang paglahok sa malaking martsa-rali ng mga netizens at mamamayan sa Lunes, Agosto 26.

Ayon kay PISTON National President George San Mateo, magsasagawa sila ng emergency meeting ngayong hapon na dadaluhan ng mga opisyales ng iba’t ibang samahan ng public transport partikular sa hanay ng jeepney, UV Express gayundin sa hanay ng mga drayber at konduktor ng bus. Aniya, ito ay para ipinal ang kanilang paghahanda para sa kanilang paglahok sa malaking kilos-protesta sa Lunes.

Sinabi ni San Mateo na sa Lunes, ang hanay ng transport sa ilalim ng PISTON ay magtitipon sa Liwasang Bonifacio bandang 9:00 ng umaga bilang kabahagi ng pagtitipon ng iba’t ibang organized people’s and cause-oriented organization sa  pangunguna ng multi-sectoral umbrella organization Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN).

Ayon kay San Mateo, inaasahang bago mag-10:00 am ay magmamartsa na ang mga nagtipon sa Liwasang Bonifacio patungong Luneta at dun magtatapo ang lahat ng mga organisado gayundin ang mga karaniwang mamamayan upang sama-samang isigaw ang panawagan ng taong-bayan na tunay na ibasura ang Pork Barrel.

“Nararapat lamang na lumahok ang mga drayber at operator ng public transport sa pagkilos sa Lunes upang makiisa sa panawagan ng taumbayan na kondenahin ang garapalang pagnanakaw sa kabang-bayan ng mga pulitiko at ng kanilang mga kakutsaba sa pamamagitan ng korap na sistema ng pork barrel,” giit ni San Mateo.

“Kaming mga drayber at operator ng pampublikong transportasyon ang isa sa pinakamalaking kinokolektahan ng gobyerno ng 12% Value Added Tax (VAT) sa Langis dahil sa araw-araw naming pagkakarga ng diesel, gasolina, auto-LPG para sa aming pamamasada. Umaabot ng halos P2 bilyon kada buwan ang nakokolektang VAT sa langis mula sa bulsa ng mga drayber at operator ng public land transportation, pahayag pa ni San Mateo.
“Araw-araw binabanat naming mga drayber at operator ang aming katawan sa halos 18 oras kada araw na pamamasada pero kapos pa din ang kita para sa pamilya dahil sa walang-tigil na pagtaas sa  presyo ng langis na kinukunsinti ng gobyernong Aquino. Subalit kami ay nasasaktan at nasusuklam nang aming malaman na sa corrupt pork barrel system lang pala napupunta ang bilyon-bilyong buwis na produkto ng pawis at pagod ng mga drayber at mamamayan,” pagdidiin pa ni San Mateo.

Hindi naman bumilib si San Mateo sa pahayag ni Pangulong Aquino kahapon na ipapatanggal na umano nito ang Priority Development Assistance Fund (PDAF) o Pork Barrel ng mga kongresista at senador at ito ay papalitan ng bagong sistema upang hindi na umano manakaw ang pondo.

“Malaking kasinungalingan ang pahayag ni Pangulong Aquino kahapon na aalisin na umano nito ang Pork barrel o PDAF. Sa bibig na din ni Aquino nagmula na papalitan lamang niya ito ng bagong sistema na Pork Barrel pa din sa esensya dahil gagawin itong Itemized Pork,” sabi pa ni San Mateo.

“Ang baboy kahit ibahin mo ang luto ay amoy baboy pa din!,” pagdidiin ni San Mateo.

“Napilitan lang si Pangulong Aquino na magsagawa ng doble-karang pambobolang pahayag kahapon upang buhusan ng malamig na tubig ang malaking pagkilos ng mga netizens at mamamayan sa Lunes. Subalit hindi tayo magpapabola at tayo ay mas lalong dapat lumahok sa Lunes sa harap ng pambobola at panlilinlang ni Aquino,” giit pa ni San Mateo.

“Ang pork barrel ay isang buong sistema ng korapsyon na produkto ng sabwatan ng Malacanang at Kongreso upang makuha ang kagustuhan ng bawat isa. Kaya hindi uubrang pabutihin o ireporma ang pork barrel sa pamamagitan ng pagpapalit anyo nito mula PDAF patungong Itemized Pork,” paliwanag pa ni San Mateo.

“Hindi lamang limitado sa PDAF ang pork barrel. Pinakamalaki sa lahat ng Pork Barrel ay ang nasa Tanggapan ng Pangulo na aabot sa pagitan ng P450 bilyon ngayong 2013 at aabot pa sa halos P1 trilyong piso kung pagbabatayan ang 2014 National Budget,” pahayag pa ni San Mateo.

“Makahalagang igiit at ipanawagan natin ang pagbuwag sa lahat ng Pork Barrel sa pamahalaan pangunahin ang dambuhalang pork ng Pangulo, at ng Kongreso,” pagtatapos ni San Mateo.

The post Mga drayber at maliliit na operator lalahok sa Luneta sa Lunes, Agosto 26 appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>