IMBES mga pesteng daga, isang magsasaka ang nakuryente sa sariling patibong na live wire sa palayan sa Albay.
Nagtamo ng 3rd degree burn sa buong katawan ang bangkay ng biktima na si Romeo Barajas, 62-anyos at residente ng Barangay Sugcad. Polangui
Nadiskubre ang krimen bandang alas-6:45 ng umaga sa palayan na pag-aari ng isang Prundencio Sabanal sa nasabing barangay.
Ayon sa kapatid ng biktima na si Mauro Barajas, 70, nag latag ng patibong na live wire ang kanyang kapatid para sa mga namemestang daga sa palayan na sinaksaka nito.
Pero nang magpapatubig na ang biktima sa palayan, aksidente naman itong nalaglag sa palayas at nakuryente.
The post Magsasaka todas sa live wire na inilatag vs daga appeared first on Remate.