Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Kamara susunod sa panuntunan ni PNoy sa pork

$
0
0

SINIGURO ni House Majority Leader Neptali Gonzales II na susundin ng Kamara ang deklarasyon ni Pangulong Aquino kaugnay ng pagbuwag ng PDAF  at ang istriktong guidelines na inilatag nito.

Giit pa ni Gonzales na gaya ni PNoy ay hindi naman aniya manhid at dedma ang mga kongresista sa lumalawak na panawagan ng publiko na buwagin ang pork barrel.

Ikinalito naman ni Pangasinan Rep. Kimi Cojuanco ang talumpati ni Pangulong Aquino dahil sa simula ay agad niyang sinabi na panahon na upang buwagin ang pork barrel ng mga mambabatas.

Subalit sa dulo ay naglatag pa ito ng mga panuntunan kung paano makapaghahain ng mga proyekto ang mga mambabatas bagama’t isasailalim na ito sa line item sa General Appropriations Act.

Ang Kamara ay kasalukuyang dinidinig ang 2014 proposed national budget kung saan nakapaloob dito ang P25 bilyong pork ng mga kongresista at senador.

Si Kabataan Partylist Rep. Terry Ridon ay nagkomento naman na tila desperadong pagtatangka ng pangulong Aquino ang talumpati niya ukol sa pork barrel dahil hindi naman talagang ito ay ipabubuwag.

Maituturing aniyang pagbabagong puri lamang ito dahil inani niya ang galit ng publiko nitong mga nakaraang araw matapos panindigan noon na di dapat buwagin ang pork barrel.

Sa kabila ng pagtanggi ng pangulo, halata anyang nanginig ang ehekutibo sa kumukulong galit ng taumbayan laban sa pork barrel.

Si Ridon at iba pang kasamahang mambabatas sa Makabayan ay nagsusulong na buwagin na ang PDAF o pork barrel.

The post Kamara susunod sa panuntunan ni PNoy sa pork appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan