ISANG kilabot na gun-for-hire na inupahan para ambusin ang mga agents ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang nasakote ng sa loob ng compound ng pension house na tinutuluyan din ng mga operatiba sa Zamboanga del Norte noong August 15, 2013.
Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr. ang nahuling suspek na si Julman Asim y Alaban, alias Baolo, 30 anyos, hinihilang tulak ng shabu at residente sa Pantokan, Barangay Poblacion, Siocon, Zambonga del Norte.
Si Asim ay dating miyembro ng Special Civilian Armed Auxiliary (SCAA) sa Zamboanga del Norte pero nasibak sa serbisyo noon pang July 2002 at nakakalaya sa piyansa dahil sa kinakaharap na kasong homicide sa Regional Trial Court (RTC) Branch 27 sa Siocon, Zamboanga del Norte at pamangkin ng hinihinalang miyembro ng Esnai-Banguih Drug Group na si Nolidor Asim, alias Kuls, na may kinakaharap na kasong paglabag sa RA 9165 at illegal possession of firearms and ammunition sa RTC, Branch 27 sa Siocon, Zamboanga del Norte.
Batay sa ulat, naka check-in sa naturang pension house ang mga ahente ng PDEA para dumalo sa isang court hearing doon nang masita si Asim na may nakasukbit na caliber Colt .45 pistol sa kanyang baywang sa loob din ng compound.
Tinangka umanong bumunot ng baril ni Asim pero naagapan siya ng mga awtoridad.
Nakumpiska kay Asim ang nasabing baril na may magazine na puno ng bala, isang bandolier na may 19 na bala ng 12-gauge shotgun, 3 magazine ng M-16 na puno ng bala at cellphone na may nakasaad na message ang planong pag-ambush sa mga agent ng tropa ni Asim.
Napag-alaman na si Asim ay inupahan ng asawa ni Nolidor Asim na si Parida para likidahin ang mga agent ng PDEA na humuli kay Nolidor noong Marso 2013 dahil din sa droga.
Kinasuhan ang suspek ng paglabag sa Republic Act 10569 o Illegal Possession of Firearms and Ammunition.
The post Gun for hire, nasabat ng PDEA sa hotel appeared first on Remate.