PUMALO na sa walo katao ang namatay, 223,921 pamilya o katumbas na 1,006,094 milyon katao ang apektado ng mga pagbaha sa 415 lugar sa 68 bayan at lungsod sa Metro Manila at Luzon, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Sinabi ni NDRRMC Executive Director Eduardo del Rosario, na pinakamaraming mga residenteng naapektuhan ay nagmula sa National Capital Region (NCR), CAR region, Region 1, 3 na may 38 na munisipalidad na binaha, 4-A at 4-B.
Iniulat rin ng NDRRMC na 41 katao ang sugatan at apat katao naman ang nawawala.
Tinatayang P55 milyon ang halaga ng imprastraktura na nasira.
The post UPDATE: 8 na patay, mahigit 1-M katao apektado, 4 nawawala sa Bagyong Maring appeared first on Remate.