NANAWAGAN na ng tulong si Rosario, Cavite Mayor Nonong Ricafrente sa Philippine Coast Guard (PCG) at Air Force na tulungan na ang mga residente na apektado ng baha dulot ng malakas na ulan.
Ayon kay Ricafrente, nasa 10,000 residente ang dapat nang i-evacuate makaraang umapaw ang ilog at ilang estero.
Kabilang sa mga naapektuhan ang Barangay Tejeros Convention at Wawa 1, 2 at 3.
Ilan naman sa kailangan ng mga residente upang mailikas mula sa mga nalubog na bahay ay 6×6 trucks at rubber boats.
The post Rosario Cavite mayor nagpasaklolo na vs baha appeared first on Remate.