PATULOY ang pagtanggi ni Pangulong Noynoy Aquino na maalis ang pork barrel bagaman nagpapatuloy ang hirit para matanggal na ang naturang pondo sa mga mambabatas.
Sa Agosto 26, nakatakdang isagawa ang malawakang pagkilos para manawagan na maalis na ang pork barrel fund na sinasabing ugat ng katiwalian, makaraang nabulgar ang P10 billion pork barrel scam.
Sinabi ni Pangulong Aquino na kailangan lamang ng mga karagdagang safeguards para hindi magamit sa korapsyon ang pera.
Ayon sa Pangulo, mahalaga ang porl barrel sa mga kongresista para magamit sa ukol na proyekto sa kanilang mga distrito.
Si Pangulong Aquino ang nanguna sa paggunita ng Buwan ng Wika ngayong araw sa Quezon City.
The post PNoy ‘no’ sa pag-aalis ng ‘pork barrel fund’ appeared first on Remate.