BAGAMAN patuloy ang malakas na pag-ulan, nagsimula na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na maglinis ng mga basurang tumambak sa Manila Bay.
Ito ay matapos anurin sa dagat ang mga basurang galing sa Cavite kasabay nang pagtaas ng tubig dahil sa patuloy na pag-ulan.
Apat (4) na dump truck ng MMDA ang nakaantabay para paglagyan ng mga makukuhang basura mula sa gilid ng Manila Bay.
Kabilang sa mga nakukuhang barusa ng mga tauhan ng MMDA ang mga tinangay na plastic at kahoy.
The post Tambak ng mga basura sa Manila Bay, nililinis na ng MMDA appeared first on Remate.