KINUMPIRMA ngayon ni Cavite Gov. Jonvic Remulla na patuloy pang pinaghahanap ang isang taong napaulat na nawawala habang nasa dalawang katao na rin ang napaulat na namatay bunga ng hambalos ng bagyong Maring.
Ayon kay Remulla, nasa tatlong metro na ang taas ng level ng tubig sa Tres Cruses dam na dahilan ng pagkalunod ng nasabing mga biktima.
Binabaha na rin ang mga lugar ng Bacoor, Noveleta, Kawit, Naic, Cavite City at Rosario.
Sa impormasyon ni Remulla, umaabot na sa 34 pamilya ang apektado ng mga pagbaha partikular na sa Noveleta na ngayon ay nasa rooftops na.
Sa ngayon, tanging ang Daang Hari at Aguinaldo Highway ang maaaring madaanan patungo sa nasabing lalawigan.
The post 2 patay, 1 missing sa Cavite flood – Gov. Remulla appeared first on Remate.