INIULAT ngayon ng Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na dalawa na ang namatay, habang tatlong iba pa ang nawawala dahil sa pagbaha bunsod ng malakas na ulan dala ng bagyong Maring at habagat.
Kabilang sa casualty ang biktimang si Franco Cawayan, 30, na namatay sa vehicular accident dahil sa dulas ng kalsada sa Cabugao, Apayao, kahapon.
Ayon sa NDRRMC, isa namang hindi pa nakikilalang bangkay ang narekober makaraang malunod sa irrigation dam sa Tanza, Cavite, kanina.
Samantala, halos 2,600 katao na ang apektado ng pagbaha at malakas na pag-ulan sa Ilocos; Cordillera Regions at Metro Manila.
The post 2 patay, 3 nawawala kay bagyong Maring appeared first on Remate.