IPINAHAYAG ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga aplikante sa Metro Manila na may passport appointment na bumalik na lamang bukas, Martes, Agosto 20.
Ito’y makaraang suspendihin ng palasyo ang lahat ng trabaho sa government offices sa Metro Manila bunsod ng malakas na ulan at pagbaha.
Ayon kay DFA spokesman Raul Hernandez, maa-accommodate lamang ang mga aplikante simula bukas hanggang Agosto 30.
Samantala, nalubog din sa baha ang paligid ng tanggapan ng kagawaran sa Roxas Boulevard, Pasay City.
The post Mga kukuha ng pasaporte pinababalik bukas appeared first on Remate.