MULING tinamaan ng lindol ang South Cotabato, kaninang umaga.
Ang lindol ay naramdaman alas-6:34 ng umaga sa lakas na magnitude 5.6 sa naturang lugar.
Natunton ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang epicenter ng pagyanig, siyam (9) na kilometro timog silangan ng bayan ng Suralla.
Wala namang nasugatan o napinsalang mga gusali sa nabanggit na pagyanig na tectonic in origin.
The post South Cotabato, tinamaan ng 5.6 magnitude na lindol appeared first on Remate.