TINATAYANG aabot sa P300,000 Yen ang natangay sa 79-anyos na Japanese national matapos lagyan ng pampatulog ng kanyang kababayan ang kanyang inumin habang kumakain sa restawran sa ibaba ng tinutuluyang mansion sa Ermita, Maynila.
Personal na dumulog sa tanggapan ng Manila Police District MPD)-General Assignment Section (GAS) ang biktimang si Tadonari Oka, binata, negosyante at pansamantalang nanunuluyan sa Boulevard Mansion sa 1440 Roxas Blvd., Ermita, Manila.
Nakilala naman ang itinuturong suspek na si Tetsuro Honma, may-asawa at pansamantalang nanunuluyan din sa nasabing mansion.
Sa report ni PO2 Dennis Suba ng MPD-GAS, ala-1:10 kahapon nang naganap ang insidente sa loob ng inuupahang kuwarto ng biktima.
Nauna rito, kumakain ang dalawa sa restaurant sa ibaba ng mansion nang nakaramdam ng pagkahilo ang biktima matapos na uminom ng tubig.
Ayon kay PO2 Suba, nagpahatid pa ang biktima sa suspek sa kanyang kuwarto kung saan nakita nito na kinuha ng suspek ang kanyang pera.
Sinabihan pa ng suspek ang biktima na “Ano buhay ka pa” sa salitang Japanese.
“Kahit inaantok ang biktima ay nakita pa niya na kinukuha ng suspek ang kanyang pera” ayon kay PO2 Suba.
Hindi na rin nakita ang suspek na nakalipad na pabalik ng Japan.
The post Hapon pinagnakawan ng kababayan appeared first on Remate.