ANG mga pampaganda tulad ng whitening products na nakapagpapaputi, pampakinis ng balat at nakaaalis ng acne, pimples, freckles at wrinkles, ay maaari ring makasama sa kalusugan ng users at ng mga tao sa kanilang paligid, lalo na kung nagtataglay ito ng mataas na antas ng mercury.
Ito ang babala ng toxics watchdog na EcoWaste Coalition, matapos a matuklasang 45 na imported whitening products na kumakatawan sa 32 brands, ay may high levels ng mercury.
Ayon sa AlertToxic Patrollers ng EcoWaste Coalition, ang mga nakalalasong kemikal ay nabili lamang ng P20 hanggang P480 bawat isa sa mga beauty product, herbal supplement at Chinese drug stores sa mga lungsod ng Makati, Manila, Parañaque, Pasay at Quezon, at maging sa Dasmariñas, Imus, Cebu at Davao mula Hulyo 22 hanggang Agosto 17, 2013.
Nang suriin ang mga sample gamit ang portable X-Ray Fluorescence (XRF) spectrometer, ay natukoy na mataas ang antas ng mercury na taglay nito.
Nanguna sa mga naturang produkto na lampas sa permissible limit ang taglay na mercury ay ang 1) Yudantang 10 Days Sheep Essence & Ginseng & Green Cucumber Specific Eliminating Freckle Spot & Whitening Sun Block Cream (41,800 ppm), 2) Yudantang 6 Days Green Cucumber & Ginseng Specific Eliminating Freckle Whitening Cream (39,500 ppm), at 3) Hengxueqian Whitening Set (21,800 ppm).
Nabatid na ang mga naturang mapanganib na produkto ay matagal nang ipinagbabawal o banned ng Food and Drug Administration (FDA).
Ayon kay Aileen Lucero, acting national coordinator ng grupo, maaaring inilalagay ng mga user sa alanganin ang kalusugan nila at ng mga tao sa kanilang paligid, sa pamamagitan nang paggamit ng mga naturang toxic creams.
Batay sa Health Alert na inisyu ng California Department of Health, ang inorganic mercury sa mga face cream ay naa-absorb ng balat at unti-unting tumataas ang toxic level sa katawan ng tao habang tumatagal ang paggamit sa mga ito.
“Non-users, especially babies and young children, can be exposed to mercury when they inhale the vapors generated by the products, touch soiled items, kiss or pat a user’s skin and then put their fingers in their mouth,” ani Lucero.
Ang target organs ng mga toxic effects ng mercury ay ang central nervous system at kidney.
Kabilang sa senyales at sintomas ng mild to moderate toxicity dahil sa inorganic mercury ay nervousness at irritability, hirap na konsentrasyon, sakit ng ulo, tremors, memory loss, depression, insomnia, weight loss, fatigue at pamamanhid o tingling sa kamay, paa at paligid ng labi.
Inalerto na umano ng EcoWaste ang FDA hinggil sa kanilang natuklasan.
The post Pampagandang may mercury, masama sa kalusugan appeared first on Remate.