PATULOY ang paghahanap ng 37-anyos na mister sa kanyang 27-anyos na misis na sumama sa kanyang ka-textmate sa San Fernando, La Union.
Nabatid ng San Fernando City Police Station, mag-iisang buwan nang hindi umuuwi ang misis sa kanilang tahanan simula pa noong July 19, 2013.
Naniniwala ang mister na sumama ang kanyang asawa sa textmate nito dahil may nakapansin na may dala itong malaking bag na puno ng mga personal na kagamitan.
Una rito, napapansin ng asawang lalaki na palaging nakangiti at masaya sa pakikipag-text ang kanyang misis.
Minsan nang tinanong ng mister ang asawa nito kung sino ang madalas nitong ka-text at ang tanging sagot nito ay ang kanyang pinsan.
Hindi rin alam ng mister ang dahilan ng pagtataksil ng kanyang misis.
Umaasa ang mister na matatagpuan din ang kanyang asawa sa tulong ng kinauukulan.
The post Misis na tinangay ng textmate, hanap ng mister appeared first on Remate.